Paano kakausapin ang ‘di nakakarinig? Paano malalaman ang kailangan ng ‘di nakapagsasalita? Sa episode na ito ng Paninindigan, tunghayan kung paano nagsikap ang mag-asawang Fernando at Wilma Castriciones na matuto ng Sign Language upang lalo nilang magabayan at maipadama sa kanilang mga anak na Deaf ang kanilang tunay na pagmamahal.